Menu

School Profile

SIMBOLO NG PAARALAN

Ang aklat na naliliwanagan ng apoy ay ang kaalamang hatid ng edukasyon na pinapanday sa ating paaralan.

Ang mga dahong nakapaligid sa aklat ay sagisag ng pag- usbong ng kaalaman at karunungang ilalapat sa bawat mag-aaral.

Ang pluma ay sagisag ng  mga karanasan at pagtatala ng kasaysayan na iguguhit ng bawat mag-aaral.

Ang mga kulay asul at pula ay maringal na pagpapakita ng ating pagka Pilipino na may taglay na dalisay na hangarin ng pag-unlad. Ang simbolo ay napaliligiran ng pangalan ng paaralan na ang mga titik ay nagpapakita ng katatagan bagay na kapit kamay na inaabot ng mga manggagawa ng paaralan.