Ang Paaralang Elementarya ng Santulan ay naglalayong mahubog ang kabuuaan ng mga kabataan ,malinang hindi lamang ang kanilang talino at kakayahan bagkus kasama ang kanilang pag-uugali na bumubuo sa kanilang pagkatao.
Ang mga guro at ang mga bumubuo sa ating paaralan ay patuloy na nagsisikhay ng kanilang mga kakayahan sa paghubog sa ating mga mag-aaral. Mga mag-aaral ng susunod na henerasyon na produktibo , maka-diyos na dangal ng kaniyang pamilya at bayan.
Ang ating paaralan ay patuloy na nagpupunyagi na makapaghatid ng mga programang naglalayong makatulong sa pag-agapay at pag-ugnay sa kurikulum na itinakda para sa elementarya na makakatulong sa pagkatuto ng mga batang Santulanians. Patuloy tayong nagsisikap na mapagtagumpayan ang mga bawat patimpalak na ating sinasalihan at maisaayos ang ating paaralan na nagsisilbing pangalawang tahanan ng ating mga mag-aaral.
Ang Paaralang Elementarya ng Santulan ay patuloy na magiging kaagapay sa tagumpay ng bawat isang mag-aaral at ng ating bayan.
“Nais po nmin ipabatid ang lubos na pasasalamat ng SANTULAN ES sa nakibayanihan sa ating paaralan para sa paghahanda sa pagbubukas ng klase. Marami pong salamat kay Mayor LenLen at Councilor Enzo at sa lahat ng donors ng BRIGADA Eskwela. Gayon din sa SDO Malabon, Barangay Santulan, mga guro, magulang at alumni ng ating paaralan. “BAYANIHAN sa SANTULAN to GOD be the glory.”
– Maria Josefina C. Borres | School Head
SES MODEL PUPILS AND WITH HONORS (ALL GRADE LEVELS)